May mga nagsasabi na ang isport na sabong
ay laro ng mga barbaro dahil natutuwa ang mga parukyano nito sa madugong
labanan. Ipinagpapalagay ng iba lalo na yung mga animal rights activist na
kalupitan ito sa hayop. Aamining madugo nga ito pero hindi naman
masasabing napakabrutal ng larong sabong. Dahil dito ay nabibigyan ang bawat
isang manok na ipagtanggol ang kanyang sarili. Kapag nanalo na ng ilang beses
ang isang manok ay ‘di na ito ginagawang panlaban kundi ginagamit na lang
bilang pampalahi.
Kahit sino’ng
sabungero ang tanungin mo, sasabihin nila sa iyo na likas na sa mga
manok-panabong ang pagiging matapang. Wika nga, ipinaganak ang mga ito para
maging mandirigma. Basta’t may makita lang na kanyang kauri ay tiyak na
sasabungin na ito. Kaya kahit di pagsalukin ang mga manok ay kusang naglalaban.
Ang ginawa lang ng mga sabungero ay ginawa itong isang isport. Nagagamit pa ng
mga manok ang kanilang tapang sa ruweda.
Sa totoo lang, inaalagaang
mabuti ng mga sabungero ang kanilang mga manok. Lahat ng patuka at suplemento ay ibinibigay para sa ikabubuti ng katawan ng
alaga. Ibig sabihin todo alaga at kundisyon ang mga manok dahil ibinibigay sa
kanila ang lahat ng kanilang kailangan. Sasabihin naman ng mga kritiko na kaya
lang ito ginagawa ay para ilaban nga ang manok?
Oo, naroon na tayo. Pero hindi lamang basta ganun yun dahil ang mga
sabungero ay likas na ang pagmamahal sa kanilang manok.
Ang kanilang mga panlaban ay di lang nila
basta itinuturing na basta manok-panabong lang. Bagkus titiningnan nila ito
bilang alter ego o ekstensyon ng kanilang sarili. Kapag nakikipaglaban ang
manok, pakiramdam nila ay parang sila mismo ang nakikipaglaban. Bakit? Dahil
ibinuhos nila sa manok ang kanilang oras at atensyon buhat pa lang noong una
hanggang sa ito ay kanilang ilaban. Kumbaga, dala-dala ng manok ang kanilang
pangalan. Pride ng mga sabungero kapag nananalo ang kanilang mga manok. At
malungkot naman kapag natatalo. Pero siyempre, ang sabong ay laro ng magiginoo
kaya sport lang sila.
Kung kalupitan sa hayop ang sabong e di
sana ay ipinagbabawal na rin ang pagkain ng manok o anumang klase ng hayop na
puwedeng kainin. Dahil may buhay ang mga ito kagaya ng ikinakatuwiran ng iba.
Siyempre, hindi puwede ang ganito dahil hindi lahat ng tao ay vegetitarian. Sa
madaling salita, hindi lahat ng tao ay naniniwala na dapat ipagbawal ang sabong
sa Pilipinas gaya ng nangyari sa Amerika.
Sabi nga ng dating president ng Amerika na
si Abraham Lincoln, kung ang tao nga naglalaban, ang mga manok pa kaya? Kaya
bakit di natin hayaang umiral ang kanilang pagiging naturalesa? Masasabi mo ba
sa kabayo na huwag siyang mabilis tumakbo o ‚di-kaya ay pigilan mo ang aso sa
pagkahol. Ganundin naman sa manok-panabong, na pipigilin mong makipaglaban?
No comments:
Post a Comment